Esta resenha pode conter spoilers
Mapapa Jusko ka na lang
Hayy grabe itong palabas na ito. Isipin mo isa lamang itong pagsasadula na kung papaano nagaganap ang kahalayan sa kanilang paaralan. Paano pa kaya yung mismong mga tao na sangkot. Ilang taon, araw ang kanilang tiniis para lamang maisiwalat ang mga hindi kanais nais na nagyari. 170 ang na sexual abuse at mga bata pa. At ito pa matindi riyan. HINDI LAMANG NUMERO ANG MGA YAN, KUNDI TAO YAN PRE, TAO ANG MGA YAN. Jusko naman. Di ko kinaya ang pelikulang ito, paano pa kaya yung mga totoong taong sangkot diba? Kumusta pa kaya sila? Hayy. Lahat sila ay mga biktima ng kahalayan, hindi natin masisisi ang mga bata. Ang dapat sisihin ay ang taong nagsimula ng iyon. Kung hindi niya ginawa yon sa bata na si Xiao hindi niya gagawin yon sa kapwa niya estudyante, Tang ina ni Mr Weng walang awa hayop, di ko masikmura ang ginawa niya. Nakakakilabot. Ayoko na isipin pa, napapadasal na lang ako kay AMA kapag naiisip ko. At buti naman may matino tayong karakter na si Mr Wang, talagang desperado siyang tulungan ang mga bata sa mga nakakatindig balahibing nagyayari eh.
Gusto mo bang panoorin? Go lang panoorin mo para malaman mo kung papaano ba nangyayari ang mga ganito, bakit nangyayari ang mga ganito. Para magkaroon ka ng ideya na, may mga nangyayari talagang hindi natin maintindihan kapag hindi natin inintindi.

Esta resenha foi útil para você?